Oo, nagstart na simbang gabi kaninang madaling araw. Meron din namang nagstart kagabi. Kahit ano naman dun, pwede ka magsimbang gabi. Namiss ko magsimbang gabi. Yung nakikita mong desidido yung iba na kumpletuhin ang siyam na simbang gabi para matupad ang kanilang mga hiling. May pumupunta naman para lang magligawan. Binabastos ang simbahan. Of all the places, bakit sa simbahan pa magliligawan at doon pa sa dilim. Mga kabataan talaga.
Nagsimula akong magsimbang gabi nung highschool ako. Naaalala ko nun, effort talaga ako gumising ng alas-tres para lang makapagsimbang gabi. Nakauniform na ako nung nagsisimbang gabi kami ng mga kaibigan. Dumadayo pa ako sa simbahan ng san Nicholas para lang makasama ko sila. Maaga na rin kami nakakapasok ng school. Kami na nagbubukas ng school noon. Nagsimbang gabi na, hindi pa late. Hitting two birds in one stone, ika nga. Nag-aagahan kami sa 7-11 noon. Pandesal at kape. Minsan naman pag sinipag magdala ng pera (ibig sabihin pag nagkapera) may noodles pang kasama. Samahan pa ng kwentuhan at tawanan. Ganto buhay-simbang gabi ko hanggang nag2nd year college ako. Simula nung naging busy na ako sa pag-aaral ko at barkada, hindi ko na naisipan magsimbang gabi. Kahit gustuhin ko man, hindi naman ako napapagising ng maaga. Wala rin.
Masarap magsimbang gabi lalo na kung yung mga kasama mo rin eh gusto rin magsimbang gabi. Gaganahin ka rin kasi marami kang pagkain na makikita, tulad ng puto bungbong at bibingka. Mga kakanin na madalas makita sa labas ng simbahan. Ewan ko ba kung bakit ganto ang mga pagkain. Nakasanayan na siguro. Basta ang alam ko, masarap yan.
Hindi ko na makukumpleto ang simbang gabi ko kasi hndi ako gumising ng maaga kanina. Susubukan ko bukas. Mambubulabog ako dito sa bahay.
1 comment:
aww tol! kamiss! wapak! dapat pala nagpandesal tayo dito samin nun. hahaha!
Post a Comment